Pagdalo ng inimbitahang mga miyembro ng gabinete sa reopening ng Mamasapano probe, tiniyak ng Malacañang

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 5145

JERICO_COLOMA
Tiniyak ng Malacañang na susunod ang pamahalaan sa imbitasyon ng Senate Committe on Public Order and Dangerous Drugs sa ilang miyembro ng gabinete para sa muling pagbubukas ng imbistigasyon ng Mamasapano sa January 27.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nakahandang tumugon ang pamahalaan sa mga katanungan sa isasagawang pagdinig.

“The government will heed the invitation of the Senate committee on public order and dangerous drugs and reply to all pertinent questions that may be asked at the hearing in the interest of transparency and public accountability.” Ani Coloma.

Kabilang sa inimbitahan ay sina dating DILG Sec. Mar Roxas, Exec. Sec. Paquito Ochoa, Communications Secretary Herminio Coloma Jr., National Security Adviser Cesar Garcia Jr, at Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Nauna nang nagpahayag ang Malacanang na makikipagtulungan ito sa senado para malaman ang buong katotohanan sa Oplan Exodus ng PNP Special Action Force sa Mamasapano na ikinasawi ng apat na put apat na miembro ng SAF Commandos.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,