Pagdalaw ni Trump sa California, sasalubungin ng kilos-protesta

by Radyo La Verdad | March 14, 2018 (Wednesday) | 20644

Inaasahang sasalubingin ngayong araw ng mga kilos-protesta si U.S. President Donald Trump sa kanyang unang state visit sa California bilang pangulo ng Amerika.

Unang nakatakdang lumipad patungong Marine Corps Air Station Miramar si Trump sa San Diego, kung saan iinspeksyunin nito ang mga itinayong 30 ft. prototype border walls sa Otay Mesa.

Sa Facebook page ng Union Del Barrio’s Los Angeles Chapter, hinikayat ng grupo ang iba’t-ibang immigration groups sa syudad sa kilos-protestang “Trump Out of L.A.”.

Ang California ang naging pangunahing estado sa Amerika na tumututol sa mga polisiya ni Trump gaya ng tax cuts, immiration, health care at iba pa mula nang ito ay maging pangulo.

Ayon kay California Gov. Jerry Brown, isang liham imbitasyon ang ipinaabot nito kay Trump upang bumisita sa Central Valley at makita ang mga tulay na itinatayo dito para sa proposed high speed rail ng estado at upang maipaabot ng California ang pagtutol nito sa panukala ng pangulo na border wall at ang pagpabor naman nila sa pagtatayo ng mga tulay para sa mga komunidad nito.

 

( Kalvin Manaig / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,