Isinantabi muna ang technical working group sa Kamara ang panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na buwagin ang Energy Regulatory Commission (ERC).
Ito’y matapos na magpahayag ng pagtutol ang ilang power distribution agencies gaya ng National Power Corporation (NPC), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), National Electrification Administration (NEA) at maging ang Department of Budget and Management (DBM).
Dapat anila ay palakasin na lang ang ERC at repasuhin ang ilang mga mandato upang mas maging epektibo ito sa halip na buwagin.
Pero ayon kay Laban Konsyumer Incorporated President Victor Dimagiba, dapat nang buwagin ang ERC dahil hindi ito naging patas sa mga consumer.
Si ERC Chairperson Agnes Devanadera naman, sinabing handa naman silang sumunod kung ano ang magiging desisyon ng kamara sa isyu.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )