Community-based monitoring system ng PSA apektado umano ng data breach

by Radyo La Verdad | October 12, 2023 (Thursday) | 5807

METRO MANILA – Apektado ng data breach ang Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

October 7 nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa nasabing data leak sa kanilang online system.

Bunsod nito ay agad na ini-activate ng PSA ang kanilang data breach response team upang imbestigahan ang nangyari.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa National Privacy Commission (NPC), DICT, at Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa insidente.

Sa ngayon ay inaalam pa ng PSA kung anu-anong mga impormasyon ang nakompromiso at nangakong magbibigay ng update kapag naiayos na ang imbestigasyon.

Tags: , , ,