Pabor si Senator Joel Villanueva sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na muling busisiin ang procurement law.
Ito ang nakikitang malaking dahilan kaya may hindi nagagamit na pondo ang pamahalaan.
Ayon sa senador, nasa 500 billion pesos ang naging savings o mga hindi nagamit na pondo ng pamahalaan sa nakalipas na limang taon.
Dahil dito, nais ni Senate President Koko Pimentel na busisiing mabuti ang 3.7 trillion pesos -2018 proposed budget.
Ito ay sa gitna na rin ng pagsusulong ng tax reform package ng administrasyon na layong makakolekta pa ng mas malaking pondo.
Samantala bukas naman ang Senate President sa anomang compromised agreement para sa pagpapasa ng reporma sa pagbubuwis.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: 2018 proposed budget, duterte, Sen. Pimentel