Pagbuhay sa death penalty, may epekto sa mga pinoy na nasa death row ayon sa CBCP

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 1923

DEATH-PENALTY
Naniniwala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na magkakaroon ng malaking epekto sa mga pilipinong nahatulan ng “bitay” sa ibang bansa ang planong pag-buhay sa death penalty.

Batay sa datos ng gobyerno, halos walumpung pilipino pa ang nasa death row sa ibang bansa.

Karaniwan nang umaapela ang gobyerno upang mabigyan ng clemency o kaya’y mapababa ang sentensya sa kanila.

Ayon naman sa mga sumusuporta sa death penalty, dapat ipaubaya na lamang sa papasok na administrasyon ang paghanap ng solusyon sa ganitong sitwasyon.

(Roderic Mendoza/UNTV Radio)

Tags: