Pagbibigay ng booster shots, “Vaccine Injustice” sa mga di pa nasusuplayan ng bakuna – WHO

by Erika Endraca | August 20, 2021 (Friday) | 1772

METRO MANILA – Inanunsyo na ng Estados Unidos ang posibleng pagbibigay ng third dose o booster shot ng COVID-19 vaccine sa mga pina-vulnerable population nito sa susunod na buwan.

Lalo na sa mga immunocompromised individuals na mayroong mababang response sa 2 dose ng bakuna.

Ang ilang probinsya sa Canada, tulad ng Ontario, plano ring bigyan ng third dose ang kanilang mga mamamayan.

Ngunit panawagan ng World Health Organization (WHO) muling sa mga pinuno ng mga bansa, sa ngayon ay hindi pa prayoridad ang pagbibigay ng booster shots. At kung maari ipagpaliban muna ito.

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, injustice ang hindi pagbibigay ng patas ng distribusyon ng COVID-19 vaccines sa bawat bansa.

“What is clear is that it’s critical to get first shots into arms and protect the most vulnerable before boosters are rolled out. Vaccine injustice is a shame on all humanity and if we don’t tackle it together, we will prolong the acute stage of this pandemic for years when it could be over in a matter of months” ani WHO Director-General, Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Sa Pilipinas, plano rin ng pamahalaan na bigyan ng booster shot ang mga nasa A2 at A3 sector o ang mga senior citizens at immunocompromised individuals.
Ngunit target itong maisagawa sa susunod na taon pa. Ito ay dahil wala pang sapat na supply ng COVID-19 vaccines sa bansa.

“One thing is sure we will have boosters for our health workers and for the immunocompromised for the reasons maybe next year iyon. For the reasons ang health workers they are the most at risk , iyong immuno compromised hindi sila kasi nakaka- mount ng adequate antibody. Most probably 1 year after the primary dose. Pinagdedebatihan pa ng ating mga experts” ani National Vaccination Operations Center Chairperson, Usec. Myrna Cabotaje.

Samantala, iniulat naman ng National Vaccination Operations Center na dumami ang mga nagpapabakuna.

Bago ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region noong August 6, nasa 150,000 ang daily average ng mga nababakunahan sa Pilipinas. Ngunit nang magsimula na ang ECQ ngayong buwan, nadagdagan pa ito ng 17K.

Ayon kay NVOC Chairperson Usec Myrna Cabotaje, napansin ang pagdami ng nagpabakuna sa hanay ng senior citizens o A2 priority sector at mga may comorbidity o mga kabilang sa A3 sector.

Paliwang ni Usec Cabotaje, maraming bagay ang nakaapekto para tumaas ang bilang ng mga nagpabakuna na. Isa rito ay ang takot na mahawa ng mas mabagsik na COVID-19 variant.

“Unang-una nag improved ng husto iyong ating acceptance. Natakot sila sa delta variant. Tapos, since naka ecq, mas madaling pumunta ngayon sa mga bakuna center, hindi kailangan i-postpone kasi nga may mga ongoing trabaho. So they do not really need to go anywhere else. So it is a multiple factors..” ani National Vaccination Operations Center Usec. Myrna Cabotaje.

Sa ngayon 29.1 million doses na ng COVID-19 vaccines ang nai- administer sa Pilipinas Samantala as of Aug. 18, 12.8 million Filipinos na ang fully vaccinated, 16.2 million na ang mga nakatanggap ng kanilang first dose.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,