Pagbibigay ng agarang shelter assistance para sa mga nasalanta ng bagyong Nona, tinututukan ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | December 17, 2015 (Thursday) | 2732

EDWIN-LACIERDA
Tinututukan na ng mga ahensya ng pamahalaan ang pagbibigay ng agarang shelter assistance para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong nona alinsunod sa direktiba ni Pangulong Benigno Aquino The Third.

Ayon sa Malakanyang, magbibigay ang pamahalaan ng mga ng mga tent at gayundin ng mga construction materials.

Tiniyak naman ng Department of Budget Management na may sapat pang pondo para rito

Samantala, prayoridad naman ngayon ng department of energy ang pagbabalik ng supply ng kuryenye sa mga town plaza at mga munisipyo.

Batay sa ulat ng Malakanyang, walumpung porsyento ng mga poste ng kuryente sa northern samar ang bumagsak o nasira.

Inaantabayan pa rin hanggang sa kasalukuyan ang damage assessment sa ilang mga lugar partikular sa Mindoro Island.

Tags: , , ,