Pagbabayad ng buwis at iba pang transaksyon, pinadali na ng Quezon City government

by Radyo La Verdad | March 28, 2016 (Monday) | 2894

GRACE_PINADALI
Mahabang pila, ganito ang lagi nang eksena tuwing huling araw na ng pagbabayad ng buwis.

Kaya naman upang maiwasan na ito binuksan na sa Quezon City hall ang e-bayad system.

Sa pamamagitan nito, ginawa nang electornic ang pagbabayad ng real property tax, business tax at iba pang transaksyon gamit ang cellphone, credit at debit cards at internet.

Katuwang ng lokal na pamahalaan ang United States Agency For International Development o USAID, ilang banko at maging ang mga telecommunications company.

Plano na rin ngayon ng QC government gawing electronic ang payment at processing ng birth certificate, NBI clearance, marriage contracte at iba.

Positibo naman ang reaksyon ng ilang tax payer dahil mas maraming oras ang kanilang matitipid sa ganitong sistema.

Para sa detalye maaaring magtungo sa Quezon City hall o di kaya ay bisitahin ang facebook page ng Quezon City government.

Ang e-bayad ay nakatakdang ipatupad sa iba’t ibang lungsod sa bansa.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,