Traffic aid sa ginagawang drainage system sa Eliptical road dinagdagan ng DPOS

by Radyo La Verdad | October 19, 2015 (Monday) | 3623

BENEDICT_REBLOCKING
Bahagyang tumila ang ulan kanina kaya tuloy ang pagsasaayos ng drainage system at paglalatag ng linya ng PLDT ng Quezon city government sa Eliptical road na sinimulan noong nakaraang linggo.

Kaakibat na ng mga road reblocking ang mabigat na daloy ng mga sasakyan lalo na kapag rush hour, kaya naman ito ang pinaghandaan ng city government.

Ayon kay General Elmo Sandiego hepe ng Department of Public Order and Safety, nasa isang daang tauhan ang araw araw na tutulong sa pagsasaayos sa daloy ng mga sasakyan habang ginagawa ang proyekto.

Lahat ng mga sasakyang manggagaling sa East ave., Kalayaan ave., Commonwealth ave., at Visayas ave. papuntang Quezon ave. ay maaring dumaan sa North ave. at kumaliwa sa Agham road.

Sa mga manggagaling naman ng North ave. papuntang Quezon Memorial Circle kumanan sa Agham road/BIR road patungo sa destinasyon.

Sa lahat naman ng motorista na dadaan sa Eliptical road disiplina ang apela ni san diego upang mas maging maayos ang trapiko sa lugar.(Benedict Galazan/UNTV Correspondent)

Tags: ,