METRO MANILA – Pag-aaralan ng pamahalaan ang pagbabalik sa dating school calendar kung saan Hunyo pa lamang ay nagbubukas na ang klase sa mga paaralan.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior, kailangang ikonsidera rito ang ikabubuti ng mga estudyante at mga guro lalo na ngayong pabago-bago na ang klima dahil sa climate change.
Mas prayoridad aniya ng kanyang administrasyon kung ano ang mas makabubuti sa sitwasyon ng mga mag-aaral ay maging sa mga guro sa paaralan.
Bibigyang pansin din niya ang kapakanan ng mga administrative o non-teaching staff ng mga eskwelahan para lahat ay maging ligtas at epektibo sa trabaho.
Tags: PBBM