Pagbaba ng unemployment rate, ibinida ng Malacañang

by dennis | April 30, 2015 (Thursday) | 1662
File photo
File photo

Ibinida ng Malacañang ang muling pagbaba ng unemployment rate ng bansa sa 19.1 % mula sa 27% noong 4th quarter ng 2014 ayon sa Social Weather Station(SWS).

Malaki ang ibinaba nito kung ikukumapara sa pinakamataas na 34.4% noong 2012.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, maraming mga trabaho ang nalikha sa ilalim ng administrasyong Aquino at marami ding benepisyo ang naidagdag sa mga manggagawa.

“Simula nang manungkulan ang Aquino administration, marami nang naidagdag na benepisyo sa hanay ng manggagawa tulad ng dagdag sa take home pay bunsod ng increased tax exemption sa 13th month pay,” pahayag ni Coloma

Bukod dito, tumaas din umano ang kalidad ng mga lugar na pinaghahanapbuhayan ng ating mga kababayan dahil sa pagpapatupad ng labor standards alinsunod sa pandaigdigang pamantayan.(Jerico Albano/UNTV Radio)

Tags: , , ,