Pagbaba ng Satisfaction Rating ni Pangulong Aquino, minaliit ng Malacañang

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 1521

JERICO_PNOY2
Itinuturing pa rin ng Malacañang na mataas ang satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino III base sa mga nagdaang survey.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda matapos makakuha lamang ng 58% na satisfaction rating sa 4th quarter ng 2015 si Pangulong Aquino mula sa 64% noong 3rd quarter.

Base pa sa SWS survey, tumaas ang porsiyento ng nagsasabing hindi nasisiyahan sa trabaho ng Pangulo na mula sa 22 percent ay naging 26 percent.

Sa kabuuan, bumaba sa +32 ang net satisfaction ratling ng Pangulo mula sa +41 noong 3rd quarter ng 2015.

Ang survey ay isinagawa noong Dec. 5 hanggang 8 sa 1,200 respondents nationwide.

Ayon kay Lacierda, ang sukatan aniya ng gobyerno ay ang nakikita sa kalidad ng buhay ng mga mamamayan.

Hindi aniya nagtatrabaho ang gobyerno para sa magandang resulta ng survey kundi para sa benepisyong makukuha mula sa mabuting pamamahala gaya ng pagbawas sa bilang ng mga mahihirap na Pilipino, karagdagang trabaho at pagpapalawak ng ekonomiya ng bansa na aniya ay suportado naman ng mga paguulat.

Gaya na lamang aniya ng pagbaba ng unemployment rate sa 5.7%, pinakamababa aniya sa kasalaukuyang dekada at ng 2015 GDP growth na 6% noong nakaraang 3rd quarter ng taon.

“While these historically high figures encourage us in the administration, we measure success by other metrics that reflect the quality of life of our citizens.”The Aquino administration continues to do it’s work not for survey results but toward the more tangible benefits of good governance—poverty alleviation, job increase, and economic expansion.” pahayag ni Lacierda.

“Moving forward, we will continue to work toward realizing the dream of every citizen: to have a more peaceful, prosperous, and inclusive Philippines.” dagdag pa ni Lacierda.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,