Naniniwala ang ilang Liberal Party senators na lalong bababa ang ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte kung patuloy nitong ipagpapatuloy ang stratehiya nito sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na bukod sa tiwala sa Pangulo, malaki rin ang epekto ng war on drugs sa ekonomiya ng Pilipinas.
Isa naman sa nakikitang dahilan ni Senator Panfilo Lacson sa pagbagsak ng rating ng Pangulo ay ang pagpapababa sa kaso ng mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Ayon naman kila Senators JV Ejercito at Juan Miguel Zubiri, dapat umaksyon na rin dito ang mga miyembro ng gabinete. Ngunit para kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, masyado pang maaga upang hatulan ang performance ng Pangulo.
Tumanggi namang magkumento si Vice President Leni Robredo sa resulta ng survey.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Pres. Duterte, senators, VP Robredo