Pagbaba ng halaga ng piso at paghina ng kalakalan, ikinabahala ng Malacañang

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 1447

SEC SONNY COLOMA
Ikinabahala ng Malacañang ang pagbaba ng halaga ng piso at paghina ng kalakalan nitong mga nakaraang araw.

Dahil dito, ipinaubaya na lang ng Malacañang sa susunod na administrasyon ang polisiya na makakapagpalalakas sa business sector.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang mahalaga sa ngayon ay ang pagpapatuloy ng kasalukuyang paraan ng pamamahala.

Nagawa na rin kasi aniyang maitatag ng Aquino Administrastion ang pundasyon para sa sustainable at inclusive growth.

Na ito aniya ay naranasan na ng mva negosyante at mamumuhunan sa mga nakalopas na taon.

“As observed by business leaders, the Aquino administration has established the foundations for sustainable and inclusive growth. It is important that the incoming administration follow through by building upon the present platform of good governance that has earned the confidence of business and industry.” Ani Coloma.

(Jerico Albano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,