Pag-uurong ng kaso laban sa mga inarestong matatanda at buntis sa Kidapawan, hiniling sa DOJ

by Radyo La Verdad | April 15, 2016 (Friday) | 7605

GABRIELA
Nanawagan sa Department of Justice ang Gabriela Partylist na iurong ang demanda laban sa mga kababaihang buntis at matatanda na inaresto sa protesta ng mga magsasaka sa Kidapawan, North Cotabato.

Tatlong buntis at tatlong kababaihang senior citizen ang kabilang sa mga kinasuhan ng direct assault o pananakit sa mga pulis.

Anim na libong piso ang pyansang itinakda ng korte sa Kidapawan para sa paglaya ng mga inarestong magsasaka.

Giit ng Gabriela, hindi dapat hingan ng pyansa ang mga magsasaka dahil ilegal ang pagkaka aresto sa kanila.

Inako naman ng Public Attorney’s Office ang pagtatanggol sa limampu’t dalawang mga magsasaka at tatlo dito ang napalaya na.

Magugunitang nauwi sa marahas na dispersal ang kilos protesta ng mga magsasaka sa Kidapawan na humihingi sana ng tulong sa pamahalaan upang masolusyonan ang matinding epekto ng El Nino sa kanilang mga kabuhayan.

(Roderic Mendoza/UNTV NEWS)

Tags: , , ,