Pag- upgrade sa mga Free Wi-Fi, isinagawa ng DICT

by Erika Endraca | May 27, 2021 (Thursday) | 7945
Photo Courtesy: DICT

METRO MANILA – Nabanggit sa naganap na hearing sa Committee on Good Government and Public Accountability ang mga problema at iregularidad sa mga Free Wi-Fi Internet Access in Public Places o ang 2018 UNDP Pipol Konek Project ng Department of Information and Communications Technology.
Diniin ng mga myembro ng House of Representatives (HOR) ang kahalagan ng libre at kalidad na Internet para sa bawat Pilipino lalo na ngayong nasa gitna tayo ng pandemya.

Ayon kay DICT Secretary Gregorio “Gringo” B. Honasan II, kaisa ang DICT sa hinaing ng mga miyembro ng (HOR) upang makapagbigay ng libre at maayos na Internet speed sa mga Pilipino. Kaya naman patuloy ang pag-upgrade ng DICT sa Free Wi-I I for All Program upang makasapat sa pangangailangan ng sambayanan.

Upang mapataas ang Internet speed sa bansa, gumamit ang DICT ng Managed Internet Service-Very Small Aperture Technology o MIS-VSAT na kayang makapagbigay ng Maximum Internet Rate (MIR) na 25 megabits per seconds (mbps) at Committed Internet Rate (CIR) na 6 mbps sa mga lugar na kabilang sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA), kung saan ang MIR ang pinakamabilis na makukuhang internet speed samantalang CIR naman ang minimum speed na maaaring masagap ng mga gagamit.

Mula sa United Nations Development Programme (UNDP)-deployed VSAT na mayroon lamang na MIR na 2mbps at CIR na 0.2 mbps na syang ginamit noonng 2018 DICT-UNDP Pipol Konek Project, ang MIS-VSAT ay sampung beses na mas mabilis kaysa rito.

Minabuti ng DICT na pabilisin ang Internet speed sa mga bagong GIDA sites bilang tugon sa COVID-19, kung saan madalas na ginagamit ang video conferencing applications bilang paraan ng komunikasyon na gumagana lamang kung mayroong 2mbps-pataas ang Internet speed.
Ayon rin kay Congressman Ferdinand Gaite, ang ipinapatupad na Free Wi-Fi Program ay napakaimportante para sa mga nasa education at health sectors isama pa na nangangailangan ang bawat isa ng mga real-time information tungkol sa level of infection ng COVID-19 sa bansa.

(Evangelyn Alvarez | La Verdad Correspondent)

Tags: