Pag-iral ng El niño phenomenon, umangat na sa moderate stage – PAGASA

by Radyo La Verdad | September 28, 2023 (Thursday) | 8429

METRO MANILA – Patuloy ang pag-init ng silangan at gitnang bahagi ng dagat pasipiko.

Ayon sa PAGASA, sa mga susunod na buwan ay posibleng lalo pang tumindi ang pag-iral ng El niño.

Bilang epekto sa Pilipinas, nakapagtala ang ahensya ng pagkabawas sa karaniwang dami ng pag-ulan sa ilang lugar sa Mindanao.

Mas mainit na panahon din ang posibleng maranasan sa tag-araw.

Pinaghahandaan na ngayon ng pamahalaan ang mga sektor na pangunahing maaapektuhan.

Kasama na dito ang sa supply ng pagkain, tubig at kuryente maging ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Pero bago matapos ang 2023 ay may mga bagyo pang posibleng pumasok o mabuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,