Pag-iral ng El Niño phenomenon, posible pang lumampas sa kalagitnaan ng 2016

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 1421

EL-NINO
Nahaharap sa mas matinding kakulangan sa ulan o tagtuyot ang 38% ng bansa sa buwan ng Abril.

Base sa climate outlook map ng PAGASA, halos buong bansa ay apektado ng El Niño subalit ang 30 lalawigan ay makararanas ng drought na karamihan ay sa Visayas at Mindanao.

Mahigit sa 60% kabawasan sa ulan sa loob ng 3 magkakasunod na buwan ang sasapit sa mga ito.

Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay pahina na ang El Niño at karamihan sa mga climate models ay nagsasabing matatapos na ito sa Hulyo.

Subalit may ilang models naman na nagsasabing posibleng lumampas pa ito sa kalagitnaan ng taon.

May tsansa din na magkaroon ng La Niña sa tag-ulan.

Posible ring umabot sa 38’C ang temperatura sa Metro Manila habang sa Northern Luzon naman at 42’C.

Sapat pa naman ang imbak na tubig ng Angat dam para sa domestic use ng Metro Manila at sa mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.

Kahapon ay mahigit sa 199 meters pa ang lebel nito.

Patuloy na nagsasagawa ng cloud seeding operation sa mga lugar maaari pang isalba ang mga pananim.

Nasa 3-7 bagyo ang posibleng pumasok sa PAR mula Abril hanggang Agosto.

(Rey Pelayo/UNTV NEWS)

Tags: