Pag-iimprenta ng mga balota para sa brgy at SK elections, sinimulan na ng COMELEC

by Radyo La Verdad | August 22, 2016 (Monday) | 16851
Photo Courtesy:  COMELEC Spokesperson James Jimenez
Photo Courtesy: COMELEC Spokesperson James Jimenez

Sa kabila ng mga suhestiyon sa kongreso na postponement ng barangay at sangguniang kabataan elections, tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda ng Commission on Elections para dito.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, hanggang walang batas na naipapasa para sa pagpaliban nito ay tuloy ang pagsasagawa nito sa October 31.

Kahapon ay sinimulan na ng COMELEC ang printing ng mahigit walumpu’t limang milyong balotang gagamitin sa barangay at sangguniang kabataan elections.

Limampu’t pitong milyon dito ay gagamitin para sa barangay polls habang ang natitirang dalawamput walong milyon ay para naman sa sangguniang kabataan.

Target ng ahensya na matapos ang pag iimprenta ng mga balota sa loob ng animnapung araw.

(UNTV RADIO)

Tags: ,