Pag-iimbak at distribusyon ng bigas ng NFA, ipinasusuri- NFA Council Chairman Jun Evasco

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 2678

Nagkaroon ng special session ang National Food Authority Council at nagpasya nang mag-import ng 250 thousand metric tons ng bigas sa pamamagitan ng government to private importation.

Ayon kay NFA Council Chairman at Cabinet Secretary Jun Evasco, walang shortage sa suplay ng bigas sa bansa. Ang importation ay para palawigin ang buffer stock ng NFA at para i-stabilize ang presyo ng bigas sa merkado.

Gayunman, nais ipasuri ng NFA Council ang ginagawang pagbili, pag-iimbak, distribution ng bigas ng NFA, lalo na’t may mga nananamantala at nagtatago ng suplay ng bigas para manipulahin ang presyo ng naturang produkto sa merkado.

Nais ng opsiyal na mapapanagot ng NFA ang mga nag-iipon na ito at sampahan ng kaukulang reklamo.

Samantala, karamihan naman ng bigas na aangkatin ng pamahalaan ay magmumula sa mga bansang Vietnam, Thailand, Cambodia, Laos at China.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,