Pag-host ng Albay sa ASEAN event, ‘di na tuloy dahil sa security concerns

by Radyo La Verdad | August 15, 2017 (Tuesday) | 2402

Kinansela na ng pamunuan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang dalawa events nito sa Albay dahil sa usaping pangseguridad.

Nakasaad sa sulat na ipinadala ng Office of the Director General for Operations, na hindi na itutuloy ang ATRC-TELSOM meeting sa lalawigan na nakatakda sanang ganapin sa Misibis Bay Resort sa darating na Agosto 21 hanggang Agosto 26, alinsunod na rin sa rekomendasyon ng ASEAN Committee on Security.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Marciano Paynor Jr., ang ‘increased violent activities’ ng extremist groups partikular na ang CPP-NPA-NDF na pinaniniwalaang retaliatory action sa hanay ng mga militar ang ipinangangamba ng komite.

Sa ngayon, itinuturing na high-risk at unsafe kung itutuloy pa ang malaking event sa bayan kung kaya napagdesisyunan na sa Metro Manila na lang ito isagawa.

Tags: , ,