Nasa Bangkok na ngayon sina dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes na naghihintay matapos ang deportation process.
At bagamat nakabantay na ang mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection group sa magkapatid na Reyes , ay hindi pa ito agad agad maaaring arestuhin.
Ito’y hanggat wala ang magkapatid sa teritoryong sakop ng Pilipinas.
Subalit ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, oras na sumakay ito sa eroplano ang mga ito ay maaari na itong arestuhin agad sa loob ng eroplano.
Sinabi pa ni Mayor na poposasan din ang magkapatid bilang bahagi ng kanilang police operational procedure.
Idinagdag pa ng heneral na pinag uusapan na rin ng mga tauhan ng cidg ang seguridad na ipatutupad sa naia hanggang sa pagbibiyahe sa magkapatid patungo sa Kampo Crame.
Ang magkapatid na Joel at Mario Reyes ay suspek sa pagpatay sa radio broadcaster and environmentalist Jerry Ortega noong 2011 sa Puerto Prinsesa.
Kung sakali ding ipag uutos ng korte na sa pnp custodial center ito ikulong ay gagawa sila ng space para sa pagkukulungan sa magkapatid.
Batay sa impormasyon, inaasahang aalis mamayang alas-diyes ng gabi sa thailand ang dalawa at darating sa Pilipinas bukas ng madaling araw.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)
Tags: Bangkok, dating Coron Mayor Mario Reyes, dating Palawan Governor Joel Reyes