Magkapatid na Reyes, naghain ng kandidatura sa Coron, Palawan

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 2100

reyes brothers
Naghain na ng kandidatura ang magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel T. Reyes at Mario Reyes, kapwa suspek sa pagpatay sa broadcaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

Tatakbong mayor ng Coron si Joel habang vice mayor naman ang kapatid nitong si Mario.

Kasalukuyang nakapiit sa Puerto Princesa City Jail ang magkapatid na Reyes at tatakbo ang mga ito bilang independent candidates sa pamamagitan ng legal representative.

Nagtago ang Reyes brothers ng tatlong taon at nahuli ang mga ito sa Phuket, Thailand nito lamang nakaraang buwan.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,