Pag-amyenda sa konstitusyon hindi na kailangan upang maipasa ang BBL ayon sa dating miyembro ng Constitutional Commission

by Radyo La Verdad | June 8, 2015 (Monday) | 2357

CHRISTIAN 2
Hindi pabor ang dating miyembro ng 1986 Constitutional Commission na bumalangkas sa 1987 Constitution ng bansa na dapat munang amyendahan ang saligang batas para maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law .

Ayon kay Atty. Christian Monsod nakasaad na sa Saligang batas ang tungkol sa pagkakaroon ng Autonomous Region of Muslim Mindanao kaya hindi na kailangan na muling magdaos ng Constitutional Convention at plebisito para sa BBL.

Iginiit din nito na pasok na sa Saligang batas ang mga probinsyon ng Bangsamoro Basic Law at wala itong elemento ng paglabag sa soberenya ng Pilipinas.

Ayon kay Monsod maaring namang i-refine o i-reword ng kongreso ang ilang pinagtatalunang punto sa panukalang batas.

At kung may mga probisyon sa BBL na hindi pa rin sang-ayon sa Saligang batas matapos na mapag-aralan sa ilalim ng punto ng check and balance, maaring ipaubaya na sa Korte Suprema, bilang final arbiter, ang pagpapasya kung ito ay naayon sa konstitusyon.

Pangamba ni Monsod kung hindi maipapasa ang BBL hindi maganda ang magiging impact nito sa imahe ng bansa sa International community na nakatutok sa proseso ng usapang pangkapayapaan.

Tags: ,