Striktong pagpapatupad ng local gov’t code sapat kahit walang federalismo – constitutional law expert

by Radyo La Verdad | July 5, 2016 (Tuesday) | 2082

Atty-Christian-Monsod
Desidido na ang Duterte administration na palitan ng Federal System of Government ang kasalukuyang konstitusyon sa pamamagitan ng constutional convention.

Subalit para sa kay Atty Christian Monsod isa sa mga abugadong bumalangkas ng 1987 constitution, hindi dapat magmadali ang pamahalaan na gawin ito.

Aniya bakit hindi muna striktong ipatupad ang nakasaad sa kasalukuyang local government code.

Kung saan sapat na aniya ito para maingat ang kalidad ng pamumuhay sa bawat siyudad at munisilapidad kung lahat ng ito ay ipatutupad lahat ng lokal na pamahalaan.

Maliban aniya sa kita ng LGU sa Internal Revenue Allotment o IRA, maaari rin tinilang itaas ang kanilang buwis.

Kung kukulang parin aniya ang kanilang pondo maaari silang umutang sa ibang bansa.

Pangamba pa ni Monsod na oras na bukasan na ang konstitusyon hindi na mapipigilan pa ang mga miyembro at deligado nito na maglagay ng ibang mga probisyon na nais nila, gaya ng term extension.

Lalo’t 70% umano ng mga miyembro ng kongreso sa bansa ay kabilang sa political dynasty.

Sa bersyon ng senado hindi maaaring maging miyembro ng con-con ang sinumang nakaupong kongresista at senador at maging lahat ng naging kandidato noong may 2016 elections.

Simula ng mabuo ang 1987 constitution apat na beses nang sinubukan ang mga nagdaang naging pangulo ng bansa na palitan at amyendahan ito, subalit wala ni isa sa kanila ang nagtagumpay.

(Grace Casin/UNTV Radio)

Tags: ,