Pag-aapply ng NBI clearance, mas pinadali at mas pinabilis na

by dennis | May 18, 2015 (Monday) | 7626
Screengrab mula sa http://clearance.nbi.gov.ph/
Screengrab mula sa http://clearance.nbi.gov.ph/

Inilunsad ngayong araw ng National Bureau of Investigation ang full implementation ng online registration ng pagkuha ng NBI clearance.

Sa ilalim ng bagong sistema, kailangang magregister ang isang kukuha ng clearance sa website na clearance.nbi.gov.ph at punan ang online registration form.

Kumpletuhin ang mga impormasyon na hinihingi, magpa-set ng araw at oras ng appointment sa pinakamalapit na NBI Clearance Centers na makikita sa website at saka pumili ng paraan ng pagbabayad ng processing fee sa pamamagitan ng e-Payment system.

Maaari ding magbayad sa mga Bayad Centers, o kaya naman ay sa pamamagitan ng mobile payment.
Importante na matandaan ng isang aplikante ang reference number ng kaniyang appointment upang makapagbayad sa paraan ng payment na pinili.

Pagkatapos na magbayad ay pumunta sa oras at araw ng appointment na naka-schedule sa mga NBI Clearance Centers para sa Photo capture at fingerprint biometrics at pagkatapos ay makukuha na kaagad ang printed copy ng inyong NBI clearance.

Ayon kay Director Virgilio Mendez ng NBI, inilunsad ang sistema na ito upang mas mapadali ang pagproseso ng pagkuha ng mga clearance at hindi na mahirapan ang ating mga kababayan upang pumila ng mahaba sa mga opisina ng NBI.(Jerolf Acaba/UNTV Radio)

Tags: , ,