Pag-aalis umano ng higit P8-Billion pondo para sa free college education, inusisa ng ilang mambabatas

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 2295

Humarap na kahapon sa House Committee on Appropriations ang mga miyembro ng Development Budget Coordinating Committee o DBCC upang talakayin ang 3.767 trillion pesos proposed 2018 national budget.

Dito kinwestyon ng grupo ng kabataan partylist kung bakit inalis sa panukalang pondo ng bansa ang mahigit sa walong bilyong pisong alokasyon sa free college education program.

Paliwanag ng Department of Budget and Management,  hindi kabilang ang naturang programa sa mga pinaglaanan ng pondo ni Pangulong Duterte para sa 2018.

Ayon pa sa Budget Department, sapat ang inilaang pondo ng pangulo sa commission on higher education upang makapagbigay pa rin ng scholarship sa mga mahihirap na kabataan.

Umaasa naman ang House Committee on Appropriations na maikokonsidera pa rin ang naturang pondo, upang matulungan ang mga kabataang walang kakayahan na nais makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

 

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,