Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Labor Sec. Silvestre Bello III ang tuluyang pag-aalis ng deployment ban sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa Kuwait.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kagabi na ito ay dahil na rin rekomendasyon ni Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-O.
Sa isang text message ay kinumpirma naman ito ni Sec. Bello ngunit hindi na nagbigay ng iba pang detalye.
Una nang inanunsyo ng pamahalaan noong nakaraang linggo ang partial lifting ng ban sa skilled at semi-skilled workers sa Kuwait.
Kasunod ito ng paglagda sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait kaugnay ng proteksyon ng mga OFW naturang bansa.
Tags: Kuwait, OFW, Pangulong Duterte