Pacman, sumasabak na sa sparring sessions

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 1002
Photo credit: Aaron Romero/Photoville International

Photo credit: Aaron Romero/Photoville International

Sumasabak na sa sparring session si eight-division world champion Manny Pacquiao para sa kanyang nalalapit na laban kay undefeated welterweight champion Floyd Mayweather Jr.

Dalawang sparring partners ang makakasagupa ni Pacquiao sa Wild Card gym kung saan focus ng training ang fight strategy, footwork, head movement at techniques.

Naunang hinarap ng Pinoy ring icon sa isang sparring session ang welterweight sparmate na si Kenneth Sims Jr., mula Chicago na may limang panalo at wala pang talo.

Aabot sa apat hanggang anim na rounds ang sparring sessions ng Pambansang Kamao.

Mayroon kabuuang anim na sparring partners si Pacquiao para paghandaan ang laban kay Mayweather Jr. sa darating na Mayo 2 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada, U.S.A

Tags: , ,