Pacers forward Paul George, balik hardcourt na; Indiana Pacers, nilampaso ang Miami Heat 112 – 89

by dennis | April 6, 2015 (Monday) | 1021
File photo: Reuters

File photo: Reuters

Muling nagbalik sa hardcourt si Indiana Pacers forward Paul George, matapos ang walong buwang pagpapahinga dahil sa tinamong bali sa binti sa isang scrimmage ng Team USA sa Las Vegas, Nevada.

Mas naging matamis ang pagbabalik ni George sa active roster ng Pacers nang talunin nila ang Miami Heat sa score na 112 – 89 sa homecourt nito sa Bankers Life Fieldhouse.

Umiskor si George ng 13 points mula sa 5 out of 12 field goals sa loob ng halos 15 minuto ng paglalaro. Nagtala rin ito ng dalawang rebounds, dalawang assist at dalawang steals.

Bagaman hindi kabilang sa starting five, pumasok ang ace player ng Pacers sa 1st quarter ng laro sa 5:34 minute mark. Pinasalubungan ito ng malakas na palakpakan at standing ovation mula sa home crowd kabilang si Pacers president Larry Bird.

Makalipas ang dalawang minuto ng paglalaro, naibuslo ni George ang unang field goal attempt para sa 1st two points ng kanyang NBA season.

Samantala, pinangunahan naman ni Dwayne Wade ang Miami Heat sa kanyang 27 points, 3 assists at 2 steals pero sa kasamaang palad, nagtamo ng knee injury si Heat forward Michael Beasley sa huling minuto ng 3rd quarter. Inaantay pa ang resulta ng medical examination kaugnay sa status ng injury ng Heat forward.

Tags: , , , , , ,