Stephen Curry, itinanghal na first unanimous choice winner ng Most Valuable Player award ng NBA

by Radyo La Verdad | May 11, 2016 (Wednesday) | 11765
Stephen Curry(REUTERS)
Stephen Curry(REUTERS)

Narating ni Stephen Curry ang tuktok ng tagumpay na hindi pa naakyat ng mga NBA greats tulad nina Magic Johnson, Michael Jordan at Lebron James.

Tinanghal si Curry na first unanimous choice winner ng Most Valuable Player award ng National Basketball Association o NBA.

Isang araw matapos na makabalilk mula sa injury sa playoff action at magpamalas ng eksplosibong performance para sa Golden State Warriors, winalis ni Curry ang lahat ng 131 first-place votes upang makuha ang pinakamataas na individual honor sa ikalawang sunod na taon.

Kabilang na ngayon si Curry nina Johnson, Jordan at Steve Nash na nasa guard position na nakuha ang karangalan sa ikalawang sunod na pagkakataon sa kasaysayan ng liga.

Kilala bilang isa sa greatest three-point shooters, pinangunahan ni Curry ang NBA sa scoring sa average na 30.1 points at record na 402 three-point baskets upang pangunahan ang warriors sa unprecedented 73-9 mark.

May 50,4 percent from the field career high ang 28 years old na si Curry at may free throw percentage na 90.8 percent samantalang may average na 6.7 assists at career-high na 5.4 rebounds sa loob ng 79 na games.

Tags: , , ,