Bobby Ray Parks Jr., may pag-asang makapaglaro para sa Dallas Mavericks – Mark Cuban

by dennis | July 13, 2015 (Monday) | 7524
Dallas Mavericks owner Mark Cuban (photo credit: Reuters)

Dallas Mavericks owner Mark Cuban (photo credit: Reuters)

Posibleng makapasok ng Dallas Mavericks roster ang Filipino-American basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. makaraang mapanood ni Mavs owner Mark Cuban ang unang laro nito sa NBA Summer League.

Bagaman hindi umiskor si Parks sa debut game nito, naniniwala naman si Cuban na may tsansang makapasok sa lineup ng Dallas ang dating two-time UAAP MVP ng National University.

Pero ayon sa Mavs owner, kailangan munang mag-improve ni Parks sa kanyang paglalaro para ipakitang karapat-dapat ito na maglaro sa numero unong ligo ng basketball sa mundo.

“He’s got to improve, there’s no question about it,” pahayag ni Cuban; “But he’s here, and showed he belongs and he’s got a chance.”

Nitong nakaraang 2015 NBA Rookie Draft, nabigong matawag ang pangalan ni Parks ng alinmang team sa NBA pero naimbitahan ito ng Mavericks na maglaro sa kanilang Summer League squad.

Tags: , , , ,