Andrew Wiggins ng Minnesota Timberwolves, tinanghal na NBA Rookie of the Year

by dennis | May 4, 2015 (Monday) | 2519
Photo credit: Reuters/Brad Rempel-USA TODAY Sports

Photo credit: Reuters/Brad Rempel-USA TODAY Sports

Tinanghal bilang NBA Rookie of the Year si Andrew Wiggins ng Minnesota Timberwolves.

Nakatanggap siya ng 110 out of 130 first place votes para sa total points na 604. Pumangalawa naman si Nikola Mirotic ng Chicago Bulls na nakatanggap ng 14 first place votes para sa total na 335 points habang pangatlo naman sa botohan ang rookie-center ng Philadelphia 76ers na si Nerlens Noel.

Si Wiggins ang kauna-unahang Timberwolves player na nagwagi ng naturang parangal. Siya ay may average na 16.9 points per game at 4.6 rebounds sa loob ng 82 laro.

Si Wiggins ang no.1 overall draft pick ng Cleveland Cavaliers pero bago pa man magumpisa ng season ay nai-trade ito sa Minnesota kapalit ni power forward Kevin Love.

Tags: , , ,