Pabahay para sa mga biktima ng Yolanda at mga naulila ng SAF44, target matapos sa Disyembre

by dennis | May 25, 2015 (Monday) | 10416
Mga ipinatayong bahay sa Tacloban City para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda (file photo: UNTVweb.com)
Mga ipinatayong bahay sa Tacloban City para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda (file photo: UNTVweb.com)

Target ng National Housing Authority o NHA na matapos sa darating na Disyembre ang ipinagawang permanenteng tirahan para sa mga biktima ng bagyong Yolanda na aabot sa 74,000.

Ayon kay Atty Chito Cruz, General Manager ng National Housing Authority, Sa kasalukuyan ay mayroon nang 14,000 na mga pabahay ang naipatayo na sa Tacloban City.

Samantala, kasalukuyan na ginagawa rin ang mga pabahay para sa mga naulilang pamilya ng SAF44, depende sa pangangailangan ng mga pamilya at kung saan nila nais tumira.

Ayon kay Atty Cruz, P190,000 ang inilaang budget ng NHA sa bawat pamilyang may sariling lote at P300,000 naman ang budget sa bawat pamilyang wala pang lupa.(Joms Malulan/UNTV Radio)

Tags: , , ,