P80-M Housing Project para sa mga Tagumenyong katutubo ipinagkaloob ng Tagum LGU at NGA

by Erika Endraca | October 18, 2021 (Monday) | 2235

Unti-unting isinasakatuparan ng Tagum Local Government Unit (LGU) ang proyekto nitong pabahay para sa 600 na pamilyang benepisyaryo, partikular ang mga katutubong Tagumenyo. Kasama sa pagtugon ng LGU ang National Government Agencies (NGA).

Sa ngayon, 352 katutubo na ang nakatanggap ng abiso mula sa National Housing Authority (NHA) at Tagum LGU, habang tumanggap din ng abisong paglilipat ng titulo ang natitirang 248 na mga Tagumenyo, sa pamamagitan ng City Housing and Land Management Office.

Sa barangay Canocotan Tagum City “Masandag Tribal” nakatagpo ang mga katutubo ng kanilang bagong masusulingan, ang lupa ay may lawak na 5 hektarya.

Ayon naman kay Tagum City Mayor Allan Rellon, ang bawat sambahayang katutubo ay magbabayad lamang ng P300 kada buwan at kanilang pupunuin ito sa loob ng 5 taon para makakuha sila ng titulo sa lupa.

Dagdag pa ni Mayor Rellon, mas marami pang Tagumenyo ang makikinabang sa proyektong pabahay.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,