P55 na dagdag sahod sa Bicol Region, aprubado na

by Radyo La Verdad | May 24, 2022 (Tuesday) | 2991

Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang P55 na salary increase para sa mga minimum wage earner sa buong rehiyon ng Bicol.

Sa ilalim na Wage Order No. RBV-20, magiging P365 na ang mininum wage sa lahat ng mga manggagawa sa rehiyon na ito’y ibibigay sa pamamagitan ng 2 tranch.

Ibibigay ang unang P35 sa oras na magiging epektibo ang kautusan habang sa December 1, 2022 naman ang dagdag na P20.

Bukod dito, naglabas ang Wage Board ng Wage Order No. RBV-DW-02 na magkakaloob ng P1,000 hanggang P1,500 na dagdag-sahod kada buwan para sa mga domestic worker kaya aabot sa P4,000 ang kanilang buwanang sahod.

Isusumite ang mga bagong kautusan sa National Wage and Productivity Commission at magkakabisa 15 araw pagkatapos mailathala sa mga pahayagan.

(Daniel Dequiña | La Verdad Correspondent)

Tags: