P5-P6/liter na bawas sa presyo ng Diesel at Gasolina, inaasahan simula Bukas (July 12)

by Radyo La Verdad | July 11, 2022 (Monday) | 14782

METRO MANILA – Matapos ang walang tigil na oil price hike, nasa P5 hanggang P6 ang inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas (July 12).

Sa taya ng Clean Fuel, posibleng P6 kada litro ang mababawas sa presyo ng Diesel habang P5 hanggang P5.80 naman sa gasolina.

Maging ang presyo ng Kerosene ay inaasahang nasa P5 hanggang P6 rin ang matatapyas kada litro.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang rollback ay bunsod ng paghina ng konsumo ng langis sa buong mundo.

Pangunahing dahilan nito ay ang lockdown sa China at pagbagsak ng ekonomiya sa ibang bansa.

Sinabi rin ng DOE director na posibleng magpatuloy ang pagbaba ng fuel prices hanggang sa susunod na 2 hanggang 3 linggo.

Kaya naman mas nakahinga ng maluwag ang mga tsuper ng mga pampasaherong jeepney na isa rin sa mga pinakaapektado ng oil price hike.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: ,