METRO MANILA – Niratipikahan na kagabi (December 11) ng 2 kapulungan ng Kongreso ang P5.768-T na national budget para sa susunod na taon.
Sa Senado, tanging si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel Junior lamang ang bumoto laban sa ratipikasyon ng 2024 General Appropriations Bill.
Naarubahan na rin sa plenaryo ng Kamara ang pambansang pondo sa pamamagitan ng simple voice vote.
Pirma na lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang kinakailangan upang ganap itong maisabatas.
Tags: 2024 Budget, Kongreso, PBBM