P4.1-T proposed 2020 National Budget, tatalakayin na sa plenaryo ng kamara

by Erika Endraca | September 10, 2019 (Tuesday) | 15778
PHOTO : House of Representative

MANILA, Philippines – Aprubado na sa committee level ng mababang kapulungan ng kongreso ang P4.1-T proposed national budget para sa taong 2020.

Pero bago ang approval, nagsagawa pa ng Executive Session ang house panel na ayon sa chairman ng komite ay bahagi na ng tradisyon sa kamara.

“There was no objections, only manifestations, madali lang na-approve namin.” ani Committee on Appropriations Chairman Representative Isidro Ungab.

Sisimulan naman Ngayong araw (September 10)  ang debate sa plenaryo, kung saan idedepensa ni Appropriatons Committee Chairman Representative Isidro Ungab ang panukalang budget.

May pagkakataon pa rin ang ibang kongresista na kontestahin ang ibibigay na pondo sa ilang ahensya.

Nanawagan naman ng kooperasyon sa kanyang mga kasamahan si House Speaker Allan Peter Cayetano para sa mabilis na pagkakapasa ng panukalang pondo ng bansa.

Samantala, nauna nang ibinunyag ni Ungab na may ilan umanong kongresista ang nais na magpasok ng nasa P70  to  P90-B na pondo para sa public works sa kanya-kanyang mga distrito.

“I have to be prank and honest mahirap talaga kasi malaki yung amount,mahirap ma-entertain yung kanilang request.” ani Committee on Appropriations Chairman Representative Isidro Ungab.

Siniguro rin nito na walang naisingit na pork barrel sa national budget.

Inaasahang tatagal ng 2 Linggo ang debate sa plenaryo at inaasahang maipapasa ang proposed 2020 national budget bago ang unang session break sa October 4.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,