P2M pabuya, ibibigay ni Pres. Duterte sa makakapagturo ng “ninja” cops

by Radyo La Verdad | October 11, 2016 (Tuesday) | 1668

dante_duterte
Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na posibleng sangkot pa umano sa iligal na droga o ang mga tinatawag na ‘ninja cops.’

Ito ang mga pulis na ‘nagrerecycle’ o nagbebenta ng iligal na droga na nakuha mula sa mga anti-drug operation at nagisisilbing protektor na rin ng mga sindikato.

Ayon sa pangulo, ang mga ito ay traydor sa bayan at nararapat na maalis sa serbisyo.

Dahil dito, magbibigay ang pamahalaan ng pabuya sa mga makakapagturo ng mga pulis na sangkot sa illegal na gawain.

Samantala, ikinalungkot naman ng pangulo ang patuloy na pagdami ng mga pulis na napapatay habang nagsasagawa ng operasyon.

Sa Police Office Region 9, tatlo na ang napatay at isa ang nasugatan sa anti-drugs operations mula nang ipatupad ang Oplan Tokhang ng PNP.

Binigyan ang mga ito ng parangal na tinanggap ng kanilang mga mahal sa buhay.

Nagbigay din ang pangulo ng 250, 000 cash incentive sa mga police units na may magandang performance kontra illegal drugs.

Muli namang ipinahayag ng pangulo ang kanyang suporta sa mga pulis at sa laban ng mga ito kontra droga.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , ,