METRO MANILA – Patuloy na umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matutupad niya ang ipinangakong P20 na kada kilo ng bigas.
Ngunit sa ngayon, kailangan umano muna niyang aysuin ang problema sa rice production at iba pang isyu.
Sinabi ng pangulo na oras na naging normal na ang lahat, kasunod na nito ang pagbaba ng presyo ng bigas.
“So, pagka naging mas normal na ang sitwasyon, malaking pag-asa talaga natin na ibababa natin ang presyo ng bigas” ani Pang. Ferdinand Marcos Jr.