P2.5-B na pondo para sa free public internet program sa PH, aprubado na ng DBM

by Radyo La Verdad | February 17, 2024 (Saturday) | 8000

METRO MANILA – Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P2.5-B na pondo para sa ipatutupad na free public internet program sa Pilipinas.

Ayon sa budget department P2.4-B ang ilalaan sa free wifi connectivity sa mga pampublikong lugar habang ang natitirang pondo ay gagamitin naman sa koneksyon ng state universities and colleges (SUC’s).

Kasama sa target public areas ang convergence points tulad ng national at government offices, public basic education institutions, SUC’s, TESDA institutions, mga pampublikong hospital, medical care facilities, mga plaza, at transport terminals.

Tags: ,