METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tulong ng pamahalaan sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Egay.
Sa kaniyang mensahe na pinost sa social media, sinabi ng punong ehekutibo na nakahanda na ang mahigit P173-M na standby funds pati na ang food at non-food items na ipamimigay sa evacuation centers.
Naka-deploy na rin aniya ang search, rescue and retrieval personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Tags: Bagyong Egay, PBBM