P17-B loan ng pamahalaan para sa infrastructure projects sa Mindanao Region, inaprubahan ng ADB

by Radyo La Verdad | January 11, 2018 (Thursday) | 2380

Inaprubahan ng Asian Development Bank ang 380 million US dollars o nasa 17 billion pesos na inutang ng pamahalaan na ilalaan para sa Mindanao Road Sector Project.

Kahapon nilagdaan nina Department of Finance Secretary Carlos Dominguez at ADB President Takehiko Nakao ang kasunduan para dito.

Nagkakahalaga ng 503 million US dollars ang proyekto na kinabibilangan ng pagsasaayos sa 280 kilometers na national roads at mga tulay sa Mindanao. Target naman ng Department of Public Works and Highways na simulan ang proyekto ngayong taon.

Ang pagsasaayos ng mga pangunahing kalsada sa Mindanao ay bahagi ng Build Build Build program ng administarsyon kung saan layon nito na maisabay ang rehiyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng buong bansa.

Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas, magandang hakbang ito ng pamahalaan tungo sa patuloy na pag-unlad ng bansa.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,