Mahihirap na Pilipino target bigyan ng food stamp

by Radyo La Verdad | May 23, 2023 (Tuesday) | 879

METRO MANILA – Tutulong na ang Asian Development Bank (ADB) para sa planong pagkakaroon ng food stamp program sa bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakikita niyang magiging epektibo ito sa pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino lalo’t epektibo ito sa ibang mga bansa.

Bukod dito, kabilang din aniya sa napag-usapan nila ni ADB President Masatsugu Asakawa ang mga programa na bibigyang tulong ng ADB gaya ng infrastructure, agrikultura, reskilling, retraining at climate change. 

Tags: ,