Full implementation ng food stamp program, ipatutupad na sa 10 rehiyon at 21 probinsya

by Radyo La Verdad | May 13, 2024 (Monday) | 1246

METRO MANILAIpatutupad na ang buong implementasyon ng food stamp program

(FSP) sa 10 rehiyon at 21 probinsya.Layon ng programa na maitawid ang bawat Pilipinong benepisyaryo nito na labanan ang kagutuman sa pamamagitan ng pagbibigay monetary-based na tulong.

Ayong kay DSWD Undersecretary Edu Punay, target ng programa na matulungan ang 300,000 pamilya simula sa buwan ng Hulyo. Nauna ng naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order 44, na nagtatatag ng “Walang Gutom” 2027: Food Stamp Program bilang isang flagship program ng pambansang pamahalaan.



 



Tags: ,