P15 billion supplemental budget para sa NFA, isinusulong sa Kongreso

by Radyo La Verdad | September 19, 2019 (Thursday) | 31052

Isang resolusyon ang inihain sa Kamara ng Makabayan Bloc na humihiling na mabigyan ng 15 billion pesos na supplemental budget ang National Food Authority (NFA).

Nakasaad sa resolusyon na gagamitin ng NFA ang naturang pondo sa pagbili ng palay mula sa mga magsasaka sa bansa. Ito ay upang matulungan ang mga local farmer bunsod ng pagbagsak ng presyo ng palay sa bansa mula ng ipinatupad ang Rice Tariffication Law.

“Kaya po gumagawa tayo ng paraan ngayon na itong P15 billion supplemental budget maibigay sa kanila sa pamamagitan na ang NFA ang dapat bumili doon sa ating mga local farmers,” ayon kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: , ,