P11-M halaga ng marijuana plants sa Sulu, sinira ; 3 suspek, arestado

by Radyo La Verdad | November 20, 2021 (Saturday) | 5638

METRO MANILA – Aabot sa P11-M halaga ng marijuana plants ang sinira ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP)  sa 4 na marijuana plantations na nakubkob habang 3 suspek naman ang arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Brgy. Lingah, Luuk, Sulu.

Kinilala ang mga suspek na sina Atimula Jaharin, Bakil Kadil na mga nagtanim ng naturang mga marijuana. At isang alyas bakil na may-ari ng 3 taniman.

Ayon kay Pro-BARMM Director Brig. Gen. Eden Ugale, alas tres trenta ng hapon nitong Myerkules unang natunton ang taniman na may P2-M halaga ng marijuanang nabunot kung saan naaresto rin sina Jahari at Kadil. Nakuha rin sa 2 suspek ang isang M16 rifle at mga bala.

Ilang minuto ang lumipas nang matagpuan ang 3 pang taniman sa Sitio Tangan-Tangan sa kaparehong barangay.

Nasa 11,000 fully grown marijuana ang sinira sa 3  taniman at nadiskubre ang 2 pang lalagyan ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga rin ng mahigit P9-M. Kasabay rin nito ang pagkaaresto ni bakil.

Sasampahan ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek.  

(Renee Lovedorial_La Verdad Correspondent)

Tags: