P1.5 B na suhol sa mga kongresista para sa pagpapasa ng proposed BBL, pinabulaanan ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 2529

NEL_COLOMA
Muling pinasinungalingan ng Malakanyang ang lumabas na ulat na may inalok si Pangulong Benigno Aquino The Third sa mahigit isandaang kongresista na dumalo sa pagpupulong sa Malakanyang noong Martes kapalit ng pagpapasa ng kontrobersyal na panukalang Bangsamoro Basic Law.

Sa lumabas na balita, sinuhulan umano ng 1.5 billion pesos ni Pangulong Aquino ang mga kongresista para sa mga proyekto ng mga mambabatas.

Ayon kay Presidential Communication Operation Office Secretary Herminio Coloma Junior, walang katotohanan ang naturang alegasyon.

Naniniwala rin ang Malakanyang na positibo ang naging pagtanggap ng naging panawagan ng Pangulo sa mga mambabatas para sa pagpapatuloy ng proseso ng pagsasabatas ng proposed BBL.

Sa kasalukuyan ay nakabinbin pa rin sa mababang kapulungan ng kongreso ang naturang panukalang batas na magtatatag sa Bangsamoro government na ipapalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,